Lumaktaw sa nilalaman
Beta

Hindi pa ganap na naisasalin ang Sinulid sa Tagalog. Ang hindi pa naisasalin ay nasa Ingles.

Mga Awit 23

Bahagi ang kabanatang ito ng: Boek I

De HEER is mijn herder

1Ang Panginoon ay aking pastor; hindi ako mangangailangan. 2Kaniyang pinahihiga ako sa sariwang pastulan: pinapatnubayan niya ako sa siping ng mga tubig na pahingahan, 3Kaniyang pinapananauli ang aking kaluluwa: pinapatnubayan niya ako sa mga landas ng katuwiran alangalang sa kaniyang pangalan. 4Oo, bagaman ako'y lumalakad sa libis ng lilim ng kamatayan, wala akong katatakutang kasamaan; sapagka't ikaw ay sumasa akin: ang iyong pamalo at ang iyong tungkod, ay nagsisialiw sa akin. 5Iyong pinaghahandaan ako ng dulang sa harap ko sa harapan ng aking mga kaaway: iyong pinahiran ang aking ulo ng langis; ang aking saro ay inaapawan. 6Tunay na ang kabutihan at kaawaan ay susunod sa akin sa lahat ng mga kaarawan ng aking buhay: at ako'y tatahan sa bahay ng Panginoon magpakailan man.

Sinusunod ng mga numero ng talata ang napiling salin at maaaring magkaiba ng isang talata sa ilang kabanata.

Statenvertaling (1637) · World English Bible (2000) · Ang Dating Biblia (1905) · Mga pinagmulan at lisensya

Ginhawa sa pagbasa

Piliin ang nakakatulong. Naka-save ang pili mo sa device na ito.

Laki ng teksto

Mas gusto mo ang sariling setting ng device mo (zoom, screen reader, dark mode)? Gumagana rin dito.