Lumaktaw sa nilalaman
Beta

Hindi pa ganap na naisasalin ang Sinulid sa Tagalog. Ang hindi pa naisasalin ay nasa Ingles.

Mga Awit 128

Bahagi ang kabanatang ito ng: Boek V

1Mapalad ang bawa't isa na natatakot sa Panginoon, na lumalakad sa kaniyang mga daan. 2Sapagka't iyong kakanin ang gawa ng iyong mga kamay: magiging maginhawa ka, at ikabubuti mo. 3Ang asawa mo'y magiging parang mabungang puno ng ubas, sa mga pinakaloob ng iyong bahay: ang mga anak mo'y parang mga puno ng olibo, sa palibot ng iyong dulang. 4Narito, na ganito nawa pagpalain ang tao, na natatakot sa Panginoon. 5Pagpapalain ka ng Panginoon mula sa Sion: at iyong makikita ang buti ng Jerusalem sa lahat na kaarawan ng iyong buhay. 6Oo, iyong makikita ang mga anak ng iyong mga anak. Kapayapaan nawa'y suma Israel.

Sinusunod ng mga numero ng talata ang napiling salin at maaaring magkaiba ng isang talata sa ilang kabanata.