Lumaktaw sa nilalaman
Beta

Hindi pa ganap na naisasalin ang Sinulid sa Tagalog. Ang hindi pa naisasalin ay nasa Ingles.

Mga Awit 82

Bahagi ang kabanatang ito ng: Boek III

1Ang Dios ay tumatayo sa kapisanan ng Dios; siya'y humahatol sa gitna ng mga dios. 2Hanggang kailan magsisihatol kayo ng kalikuan, at magsisigalang sa mga pagkatao ng masama? (Selah) 3Hatulan mo ang dukha at ulila: gawan mo ng kaganapan ang napipighati at walang nagkakandili. 4Sagipin mo ang dukha at mapagkailangan: iligtas ninyo sila sa kamay ng masama, 5Hindi nila nalalaman, ni nauunawa man; sila'y nagsisilakad na paroo't parito sa kadiliman: lahat ng patibayan ng lupa ay nangakilos. 6Aking sinabi, Kayo'y mga dios, at kayong lahat ay mga anak ng Kataastaasan. 7Gayon ma'y mangamamatay kayong parang mga tao, at mangabubuwal na parang isa sa mga pangulo. 8Bumangon ka, O Dios, hatulan mo ang lupa: sapagka't iyong mamanahin ang lahat ng mga bansa.

Sinusunod ng mga numero ng talata ang napiling salin at maaaring magkaiba ng isang talata sa ilang kabanata.