Lumaktaw sa nilalaman
Beta

Hindi pa ganap na naisasalin ang Sinulid sa Tagalog. Ang hindi pa naisasalin ay nasa Ingles.

Mga Awit 14

Bahagi ang kabanatang ito ng: Boek I

1Ang mangmang ay nagsabi sa kaniyang puso, walang Dios: sila'y nangapapahamak, sila'y nagsigawa ng kasuklamsuklam na mga gawa; walang gumagawa ng mabuti, 2Tinutunghan ng Panginoon ang mga anak ng mga tao mula sa langit, upang tingnan, kung may sinomang nakakaunawa, na hinahanap ng Dios. 3Silang lahat ay nagsihiwalay; sila'y magkakasama na naging kahalayhalay; walang gumagawa ng mabuti, wala, wala kahit isa. 4Wala bang kaalaman ang lahat na manggagawa ng kasamaan? na siyang nagsisikain sa aking bayan na tila nagsisikain ng tinapay, at hindi nagsisitawag sa Panginoon. 5Doo'y nangapasa malaking katakutan sila: sapagka't ang Dios ay nasa lahi ng matuwid. 6Inyong inilalagay sa kahihiyan ang payo ng dukha, sapagka't ang Panginoon ang kaniyang kanlungan. 7Oh kung ang kaligtasan ng Israel ay nanggagaling sa Sion! Kung ibabalik ng Panginoon ang nangabihag ng kaniyang bayan, magagalak nga ang Jacob, at masasayahan ang Israel.

Sinusunod ng mga numero ng talata ang napiling salin at maaaring magkaiba ng isang talata sa ilang kabanata.