1At sa araw na yaon ay iyong sasabihin, Ako'y pasasalamat sa iyo, Oh Panginoon; sapagka't bagaman ikaw ay nagalit sa akin ang iyong galit ay napawi, at iyong inaaliw ako. 2Narito, Dios ay aking kaligtasan; ako'y titiwala, at hindi ako matatakot: sapagka't ang Panginoon si Jehova ay aking kalakasan at awit; at siya'y naging aking kaligtasan. 3Kaya't kayo'y iigib ng tubig na may kagalakan sa mga balon ng kaligtasan. 4At sa araw na yao'y inyong sasabihin, Mangagpasalamat kayo sa Panginoon, kayo'y magsitawag sa kaniyang pangalan, ipahayag ninyo ang kaniyang mga gawa sa mga bayan, sabihin ninyo na ang kaniyang pangalan ay marangal. 5Magsiawit kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y gumawa ng mga marilag na bagay: ipaalam ito sa buong lupa. 6Humiyaw ka ng malakas at sumigaw ka, ikaw na nananahan sa Sion: sapagka't dakila ang Banal ng Israel sa gitna mo.
1In that day you will say, “I will give thanks to you, Yahweh; for though you were angry with me, your anger has turned away and you comfort me. 2Behold, God is my salvation. I will trust, and will not be afraid; for Yah, Yahweh, is my strength and song; and he has become my salvation.” 3Therefore with joy you will draw water out of the wells of salvation. 4In that day you will say, “Give thanks to Yahweh! Call on his name. Declare his doings among the peoples. Proclaim that his name is exalted! 5Sing to Yahweh, for he has done excellent things! Let this be known in all the earth! 6Cry aloud and shout, you inhabitant of Zion; for the Holy One of Israel is great in your midst!”
1En te dienzelfden dage zult gij zeggen: Ik dank U, HEERE! dat Gij toornig op mij geweest zijt, maar Uw toorn is afgekeerd, en Gij troost mij. 2Ziet, God is mijn Heil, ik zal vertrouwen en niet vrezen; want de Heere HEERE is mijn Sterkte en mijn Psalm, en Hij is mij tot Heil geworden. 3En gijlieden zult water scheppen met vreugde uit de fonteinen des heils; 4En zult te dienzelfden dage zeggen: Dankt den HEERE, roept Zijn Naam aan, maakt Zijn daden bekend onder de volken! vermeldt, dat Zijn Naam verhoogd is. 5Psalmzingt den HEERE, want Hij heeft heerlijk dingen gedaan; zulks zij bekend op den gansen aardbodem. 6Juich en zing vrolijk, gij inwoneres van Sion! want de Heilige Israels is groot in het midden van u.
Sinusunod ng mga numero ng talata ang napiling salin at maaaring magkaiba ng isang talata sa ilang kabanata.