1Ako'y rosa ng Saron, lila ng mga libis. 2Kung paano ang lila sa gitna ng mga tinik, gayon ang aking pagsinta sa mga dalaga. 3Kung paano ang puno ng mansanas sa gitna ng mga punong kahoy sa gubat, gayon ang aking sinta sa gitna ng mga anak na lalake. Ako'y nauupo sa ilalim ng kaniyang lilim na may malaking kaluguran. At ang kaniyang bunga ay naging matamis sa aking lasa. 4Dinala niya sa bahay na may pigingan, at ang kaniyang watawat sa akin ay pagsinta. 5Kandilihin ninyo ako ng mga pasas, aliwin ninyo ako ng mga mansanas: sapagka't ako'y may sakit na pagsinta. 6Ang kaniyang kaliwang kamay ay nasa ilalim ng aking ulo, at ang kaniyang kanang kamay ay yumayakap sa akin. 7Pinagbibilinan ko kayo, Oh mga anak na babae ng Jerusalem, alangalang sa mga usang lalake at babae sa parang, na huwag ninyong pukawin, o gisingin man ang aking pagsinta, hanggang sa ibigin niya. 8Ang tinig ng aking sinta! narito, siya'y dumarating, na lumulukso sa mga bundok, lumulundag sa mga burol. 9Ang aking sinta ay gaya ng usa o ng batang usa: narito, siya'y tumatayo sa likod ng ating bakod, siya'y sumusungaw sa mga dungawan, siya'y napakikita sa mga silahia. 10Ang aking sinta ay nagsalita, at nagsabi sa akin, Bumangon ka, sinta ko, maganda ko, at tayo na. 11Sapagka't narito, ang tagginaw ay nakaraan; ang ulan ay lumagpas at wala na; 12Ang mga bulaklak ay namumukadkad sa lupa; ang panahon ng pagaawitan ng mga ibon ay dumarating, at ang tinig ng batobato ay naririnig sa ating lupain; 13Nahihinog ang sariwang mga bunga ng puno ng higos, at ang mga puno ng ubas ay namumulaklak, kanilang pinahahalimuyak ang kanilang bango. Bumangon ka, sinta ko, maganda ko, at tayo na. 14Oh kalapati ko, na nasa mga bitak ng malalaking bato, sa puwang ng matarik na dako, ipakita mo sa akin ang iyong mukha, iparinig mo sa akin ang iyong tinig; Sapagka't matamis ang iyong tinig, at ang iyong mukha ay kahalihalina. 15Hulihin ninyo para sa atin ang mga sora, ang mga munting sora na naninira ng mga ubasan; sapagka't ang ating mga ubasan ay namumulaklak. 16Ang sinta ko ay akin, at ako ay kaniya: pinapastulan niya ang kaniyang kawan sa gitna ng mga lila. 17Hanggang sa ang araw ay lumamig, at ang mga lilim ay mawala, pumihit ka, sinta ko, at ikaw ay maging gaya ng usa o ng batang usa sa mga bundok ng Bether.
1I am a rose of Sharon, a lily of the valleys. Lover 2As a lily among thorns, so is my love among the daughters. Beloved 3As the apple tree among the trees of the wood, so is my beloved among the sons. I sat down under his shadow with great delight, his fruit was sweet to my taste. 4He brought me to the banquet hall. His banner over me is love. 5Strengthen me with raisins, refresh me with apples; For I am faint with love. 6His left hand is under my head. His right hand embraces me. 7I adjure you, daughters of Jerusalem, by the roes, or by the hinds of the field, that you not stir up, nor awaken love, until it so desires. 8The voice of my beloved! Behold, he comes, leaping on the mountains, skipping on the hills. 9My beloved is like a roe or a young deer. Behold, he stands behind our wall! He looks in at the windows. He glances through the lattice. 10My beloved spoke, and said to me, “Rise up, my love, my beautiful one, and come away. 11For, behold, the winter is past. The rain is over and gone. 12The flowers appear on the earth. The time of the singing has come, and the voice of the turtledove is heard in our land. 13The fig tree ripens her green figs. The vines are in blossom. They give out their fragrance. Arise, my love, my beautiful one, and come away.” Lover 14My dove in the clefts of the rock, In the hiding places of the mountainside, Let me see your face. Let me hear your voice; for your voice is sweet, and your face is lovely. 15Catch for us the foxes, the little foxes that plunder the vineyards; for our vineyards are in blossom. Beloved 16My beloved is mine, and I am his. He browses among the lilies. 17Until the day is cool, and the shadows flee away, turn, my beloved, and be like a roe or a young deer on the mountains of Bether.
1Ik ben een Roos van Saron, een Lelie der dalen. 2Gelijk een lelie onder de doornen, alzo is Mijn vriendin onder de dochteren. 3Als een appelboom onder de bomen des wouds, zo is mijn Liefste onder de zonen; ik heb groten lust in Zijn schaduw, en zit er onder, en Zijn vrucht is mijn gehemelte zoet. 4Hij voert mij in het wijnhuis, en de liefde is Zijn banier over mij. 5Ondersteunt gijlieden mij met de flessen, versterkt mij met de appelen, want ik ben krank van liefde. 6Zijn linkerhand zij onder mijn hoofd, en Zijn rechterhand omhelze mij. 7Ik bezweer u, gij, dochteren van Jeruzalem! die bij de reeen, of bij de hinden des velds zijt, dat gij die liefde niet opwekt, noch wakker maakt, totdat het dezelve luste! 8Dat is de stem mijns Liefsten, ziet Hem, Hij komt, springende op de bergen, huppelende op de heuvelen! 9Mijn Liefste is gelijk een ree, of een welp der herten; ziet, Hij staat achter onzen muur, kijkende uit de vensteren, blinkende uit de tralien. 10Mijn Liefste antwoordt, en zegt tot mij: Sta op, Mijn vriendin, Mijn schone, en kom! 11Want zie, de winter is voorbij, de plasregen is over, hij is overgegaan; 12De bloemen worden gezien in het land, de zangtijd genaakt, en de stem der tortelduif wordt gehoord in ons land. 13De vijgeboom brengt zijn jonge vijgjes voort, en de wijnstokken geven reuk met hun jonge druifjes. Sta op, Mijn vriendin! Mijn schone, en kom! 14Mijn duive, zijnde in de kloven der steenrotsen, in het verborgene ener steile plaats, toon Mij uw gedaante, doe Mij uw stem horen; want uw stem is zoet, en uw gedaante is liefelijk. 15Vangt gijlieden ons de vossen, de kleine vossen, die de wijngaarden verderven, want onze wijngaarden hebben jonge druifjes. 16Mijn Liefste is mijn, en ik ben Zijn, Die weidt onder de lelien, 17Totdat de dag aankomt, en de schaduwen vlieden; keer om, mijn Liefste! wordt Gij gelijk een ree, of een welp der herten, op de bergen van Bether.
Sinusunod ng mga numero ng talata ang napiling salin at maaaring magkaiba ng isang talata sa ilang kabanata.